Pinasalamatan ni Richard Gutierrez ang kanyang mga magulang for allowing him na tulungan ang co-star niya na si Cristine Reyes at suungin ang napakalaking baha sa Marikina City. “Ah, after the rescue nag-shut-off ako. Matagal bago ako nakatulog. Maraming flashes na pumapasok sa isip ko. Pero nagpapasalamat ako sa parents ko na nagtiwala sila sa akin. Lumakas ang loob ko dahil naniwala sila na kaya ko,” pahayag ni Richard.
Sa kabila ng ginawang pagtulong ni Richard may mga sumisingit pa rin na mga intriga sa pagsagip niya kay Cristine. “I feel bad for those people na nag-iimbento at nagiging negative. Ginawa ko na lahat ng magagawa ko para makatulong and they still manage to say some things like that. I feel bad for them.”
Nakarating na rin ba sa kanya ang kumakalat na balita tungkol sa isang lider daw ng PDEA na humingi raw ng tulong na iligtas ang anak niya sa bahay at sa kasamaang-palad ay binawian ng buhay? “It’s that text that’s circulating and again it’s a negative thing, I don’t want to talk about it.”
May iba pa ba siyang nailigtas bukod kay Cristine? “Uh, meron pa.” Ilan ang nailigtas niya? “Uhm, si Cristine and may isa pa.” Ano ang status ng relasyon nila ngayon ni Cristine? “Uhm, we’re friends and siguro mas magiging strong ang bond naming dalawa ngayong pinagdadaanan namin ito.” Masasabi ba niya na magle-level up ang friendship nila ni Cristine? “I can’t say that. Pero I don’t know. But right now, we’re really good friends.”
Cristine owes Richard her life. Kung mayroon man isang bagay na gustong ipabalik ni Richard kay Cristine sa kanya, ano kaya ‘yun? “Wala, eh. Parang I can’t think of anything na…parang ayoko namang humingi ng kapalit pero …wala, wala akong maisip,” tapos ni Richard.
0 comments:
Post a Comment